TRENDING: SIGAW NG CONSUMER GROUP KAY GINA, MAGPAPAKO KA SA KRUS!

Hinihiyakat ng lider ng isang consumer group si Environment Secretary Gina Lopez na magnilay-nilay ngayong Semana Santa dahil sa sunod-sunod na kapalpakan ng kalihim.

Hinihiyakat ng lider ng isang consumer group si Environment Secretary Gina Lopez na magnilay-nilay ngayong Semana Santa dahil sa sunod-sunod na kapalpakan ng kalihim.

“Dapat nga ay magpapako na lang siya (Lopez) sa krus,” sabi ni RJ Javellana — ang president of United Filipino Consumers and Commuters.

Tinukoy ni Javellana sa harap ng media ang mga kapalpakan ni Secretary Lopez tulad ng pambabastos sa isang broadsheet reporter, pag-uutos na magkaroon ng tinatawag na mining trust fund, at pakikipag-away sa mga opisyal at empleyado ng DENR.

Binigyang-diin ng pinuno ng consumer group na walang kakayanan si Lopez na pamunuan ang departamento dahil lagi itong gumagawa ng mga kontrobersiyal na desisyon tulad ng pagtatalaga kina Philip Camara at Leo Jasareno bilang mga undersecretary (sa kabila na isinusuka ang mga ito ng Palasyo) na isa sa mga sanhi ng demoralisasyon sa loob ng kagawaran.

Patunay, aniya, rito ang pagwo-walk out ng mga opisyal at empleyado kamakailan upang ipamalas ang kanilang pagkasuklam kay Lopez.

“Kung ako sa kanya (Lopez) ay magninilay-nilay ako ngayong Holy Week. ‘Di niya pa ba makuha ang mensahe sa kanya ng Panginoon? Sukang-suka sa kanya ang tao dahil sa dulot niyang kalbaryo,” ani Javellana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *