VIRAL: MATAPOS UM-EXIT NINA LAVIÑA, YASAY, AT SUENO… GINA LOPEZ NEXT NA!

Ang balita ay si Environment Secretary Gina Lopez na ang kasunod na sisibakin ni Presidente Digong Duterte matapos mawala sa puwesto sina Peter Laviña (NFA), Perfecto Yasay (DFA), at Ismael Sueno (DILG).

Ang balita ay si Environment Secretary Gina Lopez na ang kasunod na sisibakin ni Presidente Digong Duterte matapos mawala sa puwesto sina Peter Laviña (NFA), Perfecto Yasay (DFA), at Ismael Sueno (DILG).

Ayon sa isang source mula sa Palasyo, indikasyon dito ang hindi na pagpapapunta ni Presidente Duterte kay Secretary Lopez sa mga meeting sa Malacanang (tulad ng nangyari kay Vice President Leni Robredo nang sipain ito sa HUDCC) buhat nang dumating ang kalihim mula sa pagbabakasyon sa US.

Ito ay dahil nabuking na daw ng mga intel officer ng Palasyo na malaking parte ng destabilization plot laban sa administrasyon ang ABS-CBN na pag-aaari ng mga Lopez bukod pa sa ginagamit ni Secretary Lopez ang kanyang puwesto para mapaboran ang mga negosyo ng kanilang pamilya (kabilang ang Balfour na nag-qu-quary sa tabi ng isang ilog sa Batangas at ang First Philippine Industrial Corp. na may kasalanan ng pagtagas ng langis sa isang condo sa Makati).

Sinabi ng source na nabatid din ng mga naturang intel officer – ito iyong mga tao na nag-imbestiga bago masibak sina Laviña at Sueno – na nakita ang kapatid ni Secretary Lopez na si Ernie – major player sa mga negosyo ng Lopez family – na kasama nito sa ibang bansa sina Senator Sonny Trillanes, dating Magdalo solon Ace Asedillo, at Magdalo Congressman Gary Alejano (na naghain sa Kamara ng impeachment complaint laban sa Pangulo) ilang linggo bago ihain ng mambabatas ang reklamo.

Idinagdag ng source na kung dati ay suportado ni Duterte ang kompirmasyon ni Secretary Lopez sa Commission on Appointments, ngayon daw ay hands-off na o wala nang pakialam ang Chief Executive ng bansa kung makokompirma o hindi sa CA ang kontrobersiyal na kalihim.

“Ma-confirm man or ma-reject si Gina sa May 3, isa lang ang sure, siya na ang susunod na e-exit!,” pagbibigay-diin ng source.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *