EXPOSED: KALIKASAN NG PILIPINAS, IPAGKAKATIWALA SA DAYUHAN?

MAY mga kaso pala ng falsification of documents at syndicated estafa si Jean Philippe Henry ang French na ibinibida ni Environment Secretary Gina Lopez.

MAY mga kaso pala ng falsification of documents at syndicated estafa si Jean Philippe Henry o JPH of EcoGlobal Inc. – ang French na ibinibida ni Environment Secretary Gina Lopez na kanyang mapagkakatiwalaan pagdating sa ating kalikasan.

Ito kasing si Gina ay bilib na bilib sa ideya ni JPH na magkaroon sa Rio Tuba sa Palawan ng bamboo farm na pang-wastewater treatment kuno sa mga minahan sa lugar kahit hindi naman talaga kailangan dahil sumusunod naman ang mga kompanya sa mga patakaran.

Ang matindi pa ay ito ring si JPH ang pinagkakatiwalaan ni Gina pagdating sa Pasig River rehabilitation. Kung ating matatandaan ay ito ‘yung foreigner na nag-present ng rehabilitation proposal for the Pasig River na iniharap ni Gina sa media kamakailan.

Kung natanso na siya ni Leo Jasareno – ang tao na dati nang ipinasisibak ni Presidente Digong Duterte at siyang maysala sa palpak na mining audit pero ginawa pa rin ni Gina na kanyang chief adviser sa DENR, napaglalaruan din siya ngayon ni JPH na nahaharap sa sangkaterbang kaso na isinampa ni Mercedes Zobel.

Nagsimula ang sigalot sa pagitan nina JPH at Zobel matapos na makakopo ang EcoGlobal Inc. ng Renewable Energy Service Contract mula sa Department of Energy. Ang sabi ni Zobel ay nabudol-budol siya nitong sanggang-dikit ni Gina na si JPH. Talaga nga yatang may problema si Environment Secretary Gina Lopez pagdating sa pagkilatis ng tao. May malaking problema kapag ganito, lalo’t hawak-hawak niya ang isang sensitibong puwesto sa gobyerno.

1 thought on “EXPOSED: KALIKASAN NG PILIPINAS, IPAGKAKATIWALA SA DAYUHAN?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *