TRENDING: IBASURA MAN NG CA, DIGONG WALA NANG PAKI KAY GINA!

Hands-off na o wala nang pakialam si Presidente Rodrigo Duterte kung makokompirma o hindi sa Commission on Appointments (CA) ang kontrobersiyal na si Environment Secretary Gina Lopez.

Hands-off na o wala nang pakialam si Presidente Rodrigo Duterte kung makokompirma o hindi sa Commission on Appointments (CA) ang kontrobersiyal na si Environment Secretary Gina Lopez.

Ito ang pagbubunyag ni Isabela Representative Rodolfo Albano III — ang tumatayong CA majority leader. Ani Congressman Albano, maliban sa mga publikong pahayag ng pagsuporta kay Lopez, hindi naman binabraso ng Pangulo silang mga miyembro ng komite.

“Wala, wala siyang (Duterte) bilin sa aming mga members ng House of Representatives contingent sa CA. Ganu’n din sa Senate panel. Marahil ay nirerespeto ni Presidente ang independence ng CA,” aniya.

Magdedesisyon ang CA sa kapalaran ni Secretary Lopez sa pamamagitan ng secret voting sa May 3 at naniniwala si Albano na napakaliit ng tyansa ng kalihim na makalusot.

“Natatawa na lang ako. Kaya ‘yan secret voting ay ayaw magpabuking ng mga CA members na kanilang ibabasura si Gina,” ayon sa isang source sa loob ng CA na ayaw magpakilala dahil sa sensitibo ang isyu.

Kung dati ay suportado ni Duterte ang kompirmasyon ni Lopez sa CA at pati na ang desisyon nito na ipasara ang hindi bababa sa 20 minahan sa bansa, ngayon ay nanlalamig na rito ang Pangulo.

Ang sinasabing dahilan ng pagbitaw ni Duterte kay Lopez ay pagkabuking na parte ng destabilization plot ng “Oligarkiyang Dilawan” ang ABS-CBN (ng Lopez family) na kanyang pinagmumura ilang araw na ang nakalilipas dahil sa hindi patas na pagbabalita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *