EXPOSED: GINA LOPEZ, TSUPI NA! LOPEZ FAMILY, MAY MINING INTEREST KAYA UPAK NANG UPAK ANG ABS-CBN VS MINING COMPANIES

Isang senyal na ibabasura ng Commission on Appointments (CA) sa May 3 ang confirmation ni Sec. Gina Lopez ang binitiwang pahayag ni Pangulong Digong Duterte sa Bahrain laban sa ABS-CBN — ang media company na pag-aari ng Lopez family na kinabibilangan ng kontrobersiyal na kalihim.

Isang senyal na ibabasura ng Commission on Appointments (CA) sa May 3 ang confirmation ni Sec. Gina Lopez ang binitiwang pahayag ni Pangulong Digong Duterte sa Bahrain laban sa ABS-CBN — ang media company na pag-aari ng Lopez family na kinabibilangan ng kontrobersiyal na kalihim.

Ayon kay Presidente Duterte, inaatake nang todo ng ABS-CBN ang mga karibal na mining company para makinabang nang husto ang mga Lopez sa kanilang negosyo sa pagmimina.

Paliwanag ng Pangulo, klaro na may conflict of interest sa parte ng ABS-CBN dahil nagbabalita ito kontra mga mining company habang hindi naman nito inaamin na may business interest pala sa mining ang pamilyang kinabibilangan ni Sec. Lopez.

“Ang ABS-CBN, may mining. May mining sila, may subsidiary sila. Kita mo, kunwaring bibira dito, sisirain pala. Buti na lang hindi ako naunahan sa kanya o,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga overseas Filipino workers sa Bahrain.

Pinatutunayan lamang ng pagbubuking na ito ng Chief Executive ng bansa ang ginawang pagbubunyag ni University of the Philippines geologist Dr. Carlo Arcilla sa isang confirmation hearing ni Sec. Lopez sa CA noong March.

“Ang pamilya po ni Sec. Gina — ang Lopez family — ang nagmamay-ari ng First Balfour na may open-pit sa isang watershed area sa Lobo, Batangas. Idine-deny pa ito ng First Balfour noong una pero buking na po natin sila,” ani Prof. Arcilla base sa records ng committee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *