VIRAL: GINA LOPEZ, TABLADO NA KAY DIGONG DAHIL PARTE NG DESTAB PLOT ANG ABS-CBN

Kung hindi pa rin makalusot si Environment Secretary Gina Lopez sa confirmation hearing ng Commission on Appointments sa susunod na buwan, tuluyan na siyang bibitiwan ni Presidente Digong Duterte at hindi na itatalaga sa puwesto.

Kung hindi pa rin makalusot si Environment Secretary Gina Lopez sa confirmation hearing ng Commission on Appointments sa susunod na buwan, tuluyan na siyang bibitiwan ni Presidente Digong Duterte at hindi na itatalaga sa puwesto.

Ito ay dahil nabuking na ng Palasyo na malaking parte ng destabilization plot laban kay Pangulong Duterte ang ABS-CBN na pag-aaari ng mga Lopez. Bago ito, nakita rin ang kapatid ni Gina na si Ernie – major player sa mga negosyo ng Lopez family – na kasama sa pictures sina Senator Sonny Trillanes, dating Magdalo solon Ace Asedillo, at Magdalo Congressman Gary Alejano na naghain sa Kamara ng impeachment complaint laban sa Pangulo. Sinasabi na kinunan sa ibang bansa ang mga naturang litrato ilang linggo bago ihain ni Alejano ang impeachment complaint.

Ating matatandaan na kabilang ang ABS-CBN sa dalawang media organizations (ang isa ay ang Inquirer) na pinagmumura ni Duterte kamakailan dahil sa paghahabi ng mga kasinungalingan at pagbaluktot sa kanyang mga publikong pahayag.

Ayon sa Pangulo, hindi patas ang ABS-CBN at Inquirer sa coverage nito sa kanyang laban kontra droga at pati na sa kanyang pangangampanya sa halalan noong nakaraang taon.

“Alam mo kung maniwala kayo diyan sa mga [media], maraming ano diyan virulent ang ano… Lalo na ‘yung mga istasyon…lalo yung ABS (ABS-CBN), Inquirer, natalo ‘yung kandidato nila,” aniya.

“They become really vicious and virulent. Ganu’n ‘yan. Mabasa, makita mo naman talagang tini-twist nila. ‘Yung slant na slant. Sinasadya nila. They do not complete the sentence. They zero in on the adjective or kung however you describe the situation.”

Ang pakiramdam ni Duterte ay binabaluktot at pinipili lang ng ABS-CBN at Inquirer ang kanyang mga salita para magmukhang laban sa mahihirap na Pilipino ang kanyang war on drugs dahil galit ang mga ito dahil natalo ang kanilang “manok” noong 2016 presidential elections.

“Galit sila kapag natalo yung kandidato nila. Hindi ko na lang pinapakinggan, hindi ko na lang binabasa. Except, of course, yung factual news kung ano nangyari ‘tong araw na ito, pero itong mga opinion na araw na ito they have a lot of ass talaga as in ass,” aniya.

Hindi rin nagustuhan ng Chief Executive ng bansa ang espekulasyon ng ABS-CBN sa kanyang kalusugan dahil lamang sa may nakita oxygen concentrator sa kanyang litrato noong kanyang birthday.

“Marami pang speculations diyan na may sakit ako. Bakit ang lolo mo, hindi namatay? Gago talaga itong mga p******. Kayong mga Prieto, kayong mga Lopez did your grandfathers live forever?”

Patay na ang lahat ng mga Lolo ni Secretary Gina. Patay na rin siya sa Pangulo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *