TRENDING: GINA BINABANGGA ANG DEMOKRASYA NG PH

Hindi pa rin talaga maka-move on si Gina Lopez mula sa pagkaka-reject sa kanya ng Commission on Appointments (CA) kahit ilang linggo na ang nakalilipas.

Hindi pa rin talaga maka-move on si Gina Lopez mula sa pagkaka-reject sa kanya ng Commission on Appointments (CA) kahit ilang linggo na ang nakalilipas.

Ang balita ay nagsasagawa si Gina ngayon ng isang operasyon para bakbakin ang ilang CA members — target ang dalawang mahusay at nagtatrabahong senador na sina Gringo Honasan at Miguel Zubiri — matapos tanggihan ni Presidente Digong Duterte ang kanyang pagmamakaawa na kunin siya sa kahit na anong puwesto sa gobyerno.

Ugaling oligarch talaga si Gina kapag hindi nakuha ang gusto ay mag-aalburuto. Kung hindi  makuha sa “santong dasalan” ay kukunin niya sa “santong paspasan.”

Kung noong matapos ang pagbasura ng mga miyembro ng CA sa kanyang appointment bilang Environment secretary sa botong 16-8 ay agad niyang inupakan ang mga mining company sa kanyang  press conference sa loob mismo ng gusali ng Senado (kung saan kinanta niya ang “I believe I can fly”), ngayon naman ay ang isang institusyong tulad ng CA ang kanyang binabangga.

Unang kinursunada ni Gina ang CA member na si Senator Panfilo Lacson pero hindi siya umubra rito. Ang sabi lang ng senador sa kanya: “Hindi ka naman kasi qualified talaga!” Kaya ngayon ay itinutuon naman niya ang kanyang galit kina Senator Honasan at Senator Zubiri na hayagang ibinasura ang kanyang appointment.

Personal ang galit ni Gina na nagmula sa Lopez family na nagmamay-ari ng ABS-CBN na kinamumuhian ng Pangulo.

Ang hindi alam ni Gina na kapag inuupakan niya ang mga mambabatas na miyembro ng CA na tulad nina Lacson, Honasan, at Zubiri ay hindi lamang ang mga personalidad na ito ang kanyang inaatake kundi ang buong proseso ng ating demokrasya dahil ang CA ay isang parte ng check-and-balance na nakasaad sa ating Konstitusyon.

Kung gusto talaga manilbihan ni Gina sa gobyerno dapat ay maging isang mabuti muna siyang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *