TRENDING: ES MEDIALDEA TO ES GINA LOPEZ, “WALA KANG ALAM SA PAGGOGOBYERNO!”

Ibinubuhos ngayon ni Environment Sec. Gina Lopez ang kanyang pagmamaasim sa kapwa niya cabinet secretary na si Executive Sec. Salvador Medialdea.

Sa gitna ng ugong na ibabasura siya ng Commission on Appointments sa May 3, ibinubuhos ngayon ni Environment Sec. Gina Lopez ang kanyang pagmamaasim sa kapwa niya cabinet secretary na si ES Salvador Medialdea.

Ang gusto kasing mangyari nitong si Gina ay isara na nang tuluyan ang mahigit 20 minahan na kanyang pinersonal noong February kahit kasalukuyang umaapela kay Presidente Digong Duterte ang mga mining company.

Ugaling oligarch talaga itong si Gina! Kung ano ang kanyang gusto ay dapat niyang makuha tulad ng pagkunsinte noon ng kanyang mga magulang sa kanyang mga luho at bisyo tulad ng pagdodroga (pero ngayon naman ay yoga!)

Ang kuda ni Gina laban kay Medialdea ay iniipit ng Office of the Executive Secretary ang sulat-apela ng mga mining company kung kaya hindi makapagdesisyon si Pangulong Duterte.

Dahil dito, nasabihan tuloy ni ES ang kontrobersiyal na kalihim ng “walang alam sa paggogobyerno!”

Paliwanag ni Medialdea tungkol sa proseso, ang mga apela sa Office of the President ay daraan muna sa Executive Secretary at hindi didiretso sa Presidente.

“Nagtatalak din si Sec. Gina na hinarang ko ang kanyang suspension order gayong klaro ang kautusan ni Presidente (Duterte) na i-review ang palpak na mining audits na ginawa ng DENR,” ayon pa kay Medialdea.

Kung noon ay sinusuway ni Gina ang mga payo at utos ng kanyang mga magulang kung kaya napariwara ang kanyang buhay, ngayon naman ay si Presidente Duterte naman ang kanyang sinusuway.

Ang problema rito, ang taumbayan at bansa ang mapaririwara dahil ang Malacanang at mabuting pamamahala ay hindi po tulad ng mararangyang piging ng mga Lopez sa kanilang mansion noong araw.

1 thought on “TRENDING: ES MEDIALDEA TO ES GINA LOPEZ, “WALA KANG ALAM SA PAGGOGOBYERNO!””

  1. Tama si Secretary Medialdea, ang Gobierno nag rerespeto sa tamang processo, kagaya ng appeal sa office of the President. Hindi naman si Gina Lopez ang dapat lang masunod. Ang babaw ng rason ni Gina Lopez na ma apectohan ang mga tao na mahirap sa paligid ng Mining areas. Bakit ba pabaya-an yan si Gina Lopez sa pag ka temperamental Ano ba ito, Dictatorship na Tayo ? Itong mga pangyayari na ito aabot pa ba sa Presidente ? Mahiya naman kayo, ang mga tao ang apectado..bakit hindi alisin ang mga “walang alam sa pagpa lakad ng gobierno” kailangan pa ba maymangyari bago mapaalis ang indi maronong mag sunod?? Kaawaawa ang Pilipinas…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *